Nandito ako…

alam nyo yung feeling na mahal na mahal mo sya pero di mo maipadama…

yung pakiramdam na gustong-gusto mo syang yakapin tuwing malungkot sya…

yung alam mo gaano sya nasasaktan pero hindi mo makuhang bawasan yung sakit na nararamdaman nya…

yung tipong pakiramdam nya walang nagmamahal sa kanya pero hindi nya alam na nandyan ka lang…

o kahit na alam nyang andyan kana… masakit na katotohan na hindi ka pa rin sapat.

ang totoo nyan hindi pa rin ako nagbabago. Sabi ko date darating din yung time na mawawala din lahat ng nararamdaman ko sa kanya… na eventually maiintindihan ko na walang patutunguhan lahat ng nararamdaman ko… naiintindihan at natanggap ko naman yon… pero hindi ko maalis sa puso ko na mahalin pa rin sya.

natatawa na nga lang ako minsan sa sarili ko kase para na akong stalker nya… ahaha

kahit na magkaibigan parin kame ngayon, hindi na kase katulad noon.

Date kahit sa text lang napagaaksayahan nya ako ng panahon… pero dahil sa aning-aning ko sa utak dala ng hindi ko alam paano i -handle ang nararamdaman ko sa kanya noon kase ayokong masira yung anong meron kame.. pero ending eh nawala yung anong meron kame noon.. :(

Note: tiis muna sa mga kwento na isang dakilang stalker … “napaka-emong stalker”.. aha


“pers taym lang”

sa 21 years of my existence sa mundong ito (na hindi naman talaga obvious) wala pa akong masasabing achievement sa buhay pag-ibig ko…

at nakakatuwang” OO” lang ang sagot ko ‘pag tinatanong nila kung single ako( sabay banat na “No BF Since Birth”)

hindi ko rin naman masabe kung anong meron sa wala akong lalake  boyfriend.. big deal ba yon? ahahhaha

pero minsan naiisip ko din na baka hopeless romantic talaga ako.. na baka takot lang talaga ako sa idea na sasabak ako sa isang relasyon na alam kong mauuwi lang sa wala.. tanga eh no? ewan ko ba kase saken… pag dating sa ganyang bagay ayokong mag take ng risk.. ang nega ko kase ‘pag dating sa mga lalake.. aha pasintabi po (hindi naman sa lahat) …

naiisip ko kase agad na baka ‘pag nagmahal ako ng bongga eh mauwi lang sa lokohan at ako lang ang masaktan sa bandang huli…

ayoko kase yung magmumukha akong tanga…  ahaha kahit naman mukha na talaga akong tanga ever!

sabi naman nila (ng mga kambal diwa ko) maganda na man daw ako kahit na chubby (naks ayaw pang aminin na mataba) kaya imposibleng walang magkagusto saken…

madalas kong naririnig sa mga taong kilala ako na magpapayat lang daw ako at pipilahan daw ako ng mga lalake  ahaha mga echusera sila no.. ano ako NFA rice? ahaha pag payat nako wala nakong sustansya ahaha charot lang…

minsan naiisip ko din na bakit nga ba hindi ko i-try… ahaha meron naman kaseng willing na ialay ang katawang lupa puso nya “daw” saken.. pero tinangihan ko.. busog pa kase ako.. ahaha jokeness.. hindi lang kase yung tipo nya yung nagugustuhan ko.. aha nagpaka choosy pa ang lola.. pero dahil sa pangungulit nya at pagka anik-anik ng utak ko naisip ko na bakit di ko sya bigyan ng chance di ba? at dahil feeling maganda ako ahahah syempre gusto ko muna syang makilala ng husto kaya pinayagan ko syang manligaw kahit na alam kong kalokohan lang ang panliligaw ahaha…

na hook din ako sa mga nakakatawang weird na pakiramdam ‘pag ginagawa mo na yung mga ayaw mong gawen (LABO!) ahahaha

yung tipong nagte-text kana lage…pumapayag na magpahatid at magpadalaw sa bahay… kahit minsan nababaklaan na ako sa sarili ko… ahahaha

hindi ko lang kase gawain yung mga ganyang bagay… yung maging sweet… caring… yung magpaka BABAE!

Lord help me! ayoko namang tumandang dalaga eh.. kaso sana makaisip ako ng paraan na hindi na kailangan na dumaan pa sa ganitong proseso.. hmp..

 

Note: sana may makapag payo saken sa dilemma ko… haha


“Mahirap sa taong paasa di nila alam na masaya ka ng bumubuo ng pangarap na makasama sya… Habang sya naman… Pinaplano na kung hanggang saan ka lang sa buhay nya…”


Ako na ang late bloomer…

aha nahugot lang sa isang blog..

napagtripang sagutan..

Q N A FOR THIS DAY

1. What did you do in 2011 that you’ve never done before?

  • I’ve entertained a suitor. ahaha

2.  Did you keep your new years’ resolutions and will you make more for next year?

  • I’m not doing and keeping such… maybe this year I’ll try.

3.  Did anyone close to you give birth?

  • Uhm.. No one…

4.  Did anyone close to you die?

  • No one..

5.  What country did you visit?

  • Aha out-of-town adventures pa lang eh.. I still can’t afford that kind of vacation..  0_0

6.  What would you like to have in 2012 that you lacked in 2011?

  • Uhm I’m thinking of having a career move…maybe a stronger faith and courageous heart for this new adventure will be good for me… and a brave heart also for a possible relationship to my special someone…

7.  What dates from 2011 will remain etched upon your memory, and why?

-still thinking…

  • December activities:
  • We had lot of fun during December.. We slept over at Macario’s house and attended the Durang Festival in Sta. Rita.. We always go out and watched movies.. We had lot of night out which includes tagayan.. ahaha (di naman umiinom)

8.  What was your biggest achievement of the year?

  • Uhm for a fresh graduate student, I consider my working experience in my current job … hirap kaya maghanap ng trabaho ngayon.. nyahaha

9.  What was your biggest failure?

  • Lately, I have been distracted about many things which laid me of being an inefficient employee.

10.  Did you suffer illness or injury?

  • Same as before.. pusong sugatan lang naman.. ahaha just kidding.. I think there is no major injury, I just have a sprain in my right foot.

11.  What was/were the best thing/s you bought?

  • Books… yun palang afford ko eh.. (by the way I’m just a minimum earner pa lang)
  • The best of Chico and Delamar yung favorite ko sa lahat.. ahaha Php. 175.00 lang yun sulit na sulit pa.. lolz

12.  Where did most of your money go?

  • Kay INA.. ahaha honestly speaking I’m giving most (or I can even say all) of my money to mother… ahaha

13.  What did you get really, really, really excited about?

  • Aha I don’t know if I sound pathetic but I’ve get really excited when my suitor visited me in our house… ganon pa la yung feeling.. nakakatawa lang..

14.  What songs will always remind you of 2011?

  • Fly Away by Jojo, Someone Like you by Adele, Miss you like crazy by Moffats, Samson by Regina Specktor..

15.  Compared to this time last year, are you:

  • Happier or sadder? I think I’m not quit happy as I was before when I’m still a student.. coz now, I finally realized how hard it is to be an employee…
  • Thinner or fatter? Sadly, I’m fatter. .. and I know I don’t have any excuse to tell.. napasarap kain eh.. ahaha
  • Richer or poorer? Uhm.. richer naman siguro kahit papaano.. ahaha

16.  What do you wish you’d done more of?

  • Traveling.. I love adventures and lakwatsya… this is why I’m planning to have a career move, para tumaas naman sahod ko and then eventually ma-afford ko na ang lumakwatsya ever.. ahaha

17.  What do you wish you’d done less of?

  • Being conservative… Hindi naman yung tipong dalagang Filipina.. I just wish that I tried something new.. something I not usually and expectedly be doing..

18.  How did you be spend the holidays?

  • It was a stressed free holidays for me.. ahaha kinalimutan ko lahat ng iniisip ko sa work and I just spend most of it sleeping… ahaha

19.  Did you fall in love in 2011?

  • Yes. I believe I did. Unfortunately…. ahaha

20.  How many one-night stands?

  • Naku wala pang ganyan… too young for that.. but maybe this year I consider that as a good idea on trying something new.. ahaha joke lang

21.  What were your favorite TV programs this year? 

  • I love watching different documentaries by the GMA reporters… especially those of Kara David! Idol! ahaha

22.  Do you hate anyone now that you didn’t hate this time last year?

  • (still analyzing the question ahaha) I can’t say that I’ve hated someone.. aha as I always say to them (to the haters).. ‘I don’t LIKE you enough to HATE you.. yun lang.. aha taray ko..

23.  What was the best book you read?

  • I’ve accidentally found a book belongs to the lost and found items of the school… The book title is FLIGHT, and that was the most weird but beautiful and unforgettable book that I have read… promise.. aha

24.  What was your greatest musical discovery?

  • I’m not aware that I love old songs… ahaha nostalgic music is somehow creepy and I think that is the best thing I liked the most about it.

25.  What did you want and got?

  • I want to have a job and I got one.

26.  What were your favorite films of this year?

  • 3 idiots.. I cant even remember how many times did I watched it.. lolz
  • Playful Kiss, I love koreanovela.. aha
  • A manga movie that was lend by a friend.. aha I forgot the title but I really cried on that one.. because of the very touching story of their friendship… (sana maalala ko yung title)

27.  What did you do on your birthday, and how old were you?

  • It was just another ordinary day for me… nothing too memorable that day. (ahaha secret na yung age)

28.  What one thing would have made your year immeasurably more satisfying?

  • If I were able to have a vacation together with my friends in Pagudpud, Ilocos Norte. We are really dying to go there.. ahaha

29.  What kept you sane?

  • I really don’t know… ahaha natural na lang sa’kin kase ang pagiging baliw eh.. maybe because I have crazy and hilarious thoughts.. ahaha

30.  What political issue stirred you the most?

  • The RH Bill.. hindi lang pasado sa opinion ko..

31.  Who did you miss?

  • I miss myself.. the funny me… ahaha lately kase I’m so damn emo! ahaha

32.  Who was the best new person you met?

  • Sir. Andrew – surprisingly may twist pala ang pagka-irita ko sa kanya. He became one of my Big Bro.. aha

33.  Tell us a valuable life lesson you learned in 2011:

  • Don’t be hard to yourself… mahalin mo muna sarili mo bago ka magmahal ng iba.
  • Do not just depend on the things you have, marameng pwedeng mangayare.
  • You can never say that you are ready.

samantalahin ang libreng connection…. nyahaha


halukay ube

Oct. 24, 2010
Only reminds me of you..

Matagal-tagal na rin ng huli kong ginawa to. Hindi ko na kase madaan sa iyak. Ang gulo ng isip ko dahil sobrang sakit nan g nararamdaman ng puso ko. Alam mo, ang dame-dame kong gustong itanong at sabihin sayo. Hindi ko maintindihan kung paano kita minahal kahit mula umpisa palang alam ko na malayong mahalin mo din ako. Pinipilit ko na kalimutan ka, minsan sa sobrang desperado ko na pinipilit kong mahalin ang ibang tao at kumbinsihin ang sarili ko na hindi na ikaw ang nilalaman ng puso ko… Pero hindi talaga magawa eh, kase alam ko ang totoo. Ikaw lang talaga. Sa dami ng ginawa kong paraan para iwasan ka, sa tingin ko tadhana talaga na masaktan ako ng sobra-sobra. Bakit ba ipapadama sakin ng kapalaran ang kaligayahan kapag kasama kita ngunit sabay naman nun eh ang sampal ng realidad na hindi ako ang mahal mo. Ang gusto ko lang matanggap ngayon mula sayo ay simpleng sulat. Sulat na nagpapatukoy ng tunay mong nararamdaman sa’kin. Sana wag ka ng gumamit pa ng anumang alias, kahit sa isang pagkakataon magkaroon lang sana ng linaw ang totoo mong nararamdaman, kahit na nga bang taglay ng liwanag nay an ang magpapadilim ng aking puso.

Tuwing naaalala kita, sinisisi ko ang sarili ko dahil kasalanan ko kung bakit ako nagkakaganito… at ikaw, ang tangi mo lang pagkakamali ay magmahal ng iba. Hindi ko alam kung hanggang kalian ako magiging ganito, pero alam ko tulad noon, maraming maaring magbago. Maaaring mahal kita ngayon pero gaya mo, umaasa din ako na mawawala din ito.
Hayaan mong palipasin ko ang sakit..
Hayaan mong lumipas pa ang mga gabing paulit-ulit akong umiyak..
Hayaan mo lang na pauli-ulit akong magtanong sa sarili ko ng mga bagay na gusto kong malaman mula sayo..
Hayaan mong paulit-ulit din akong magsulat ng magsulat at pagkatapos ay sunugin ang mga ito.
Hayaan mong mabingi ako sa katahimikan at paulit-ulit na malunod sa mga alaala mo.
Hayaan mong paulit-ulit kong saihin sa lahat ng mga tao na wala na akong pagmamahal sa’yo.
Hayaan mo lang..
Hayaan mo lang na kayanin ko ‘to…
Hayaan mo lang muna na maging ganito ako…

..at malay mo, sa paglipas ng panahon maging manhid na ako at di ko na mararamdaman na mahal kita.
Kung yun lang ang tanging paraan para hindi ko na maalala kung gaano kasakit ang magmahal sa isang tulad mo.


Aninong Makukulet!

date hindi ako naniniwala sa “bestfriends” …

para naman kase saken eh hindi applicable ang ganoon.. aha may trust issue ako sa mga tao before.. ahaha echus lang!

wala lang .. feeling ko lang kase JOLOGS yung nagtatawagan na  BFF.. na pansin ko lang kase sa mga nakapaligid saken..

Yung tipong ganito:

Girl + Boy = BFF                        KALOKOHAN! ( Di pa kase magpakatototo na di lang pure friendship ang habol)

Boy + Boy = BFF                        whahaha I smell Bromance!

Girl + Girl = BFF                       ( huwag lang magkaSULUTAN sa lalake)

ahaha ang babaw ng utak ko date no? (ahaha parang ngayon naman hindi)

pero iba na ngayon… naks at eto ay dahil sa kanya

Ate na Baliw and Waleng Makulet

 

“Waleng Makuet” means nakakabatang kapatid na makulet.. ehehe kapampangan po kase ako eh..

 

 


header headache

hayayayayayyyyyyy!

ang sakit sa bangs ‘pag medyo  bobo sa computer..(medyo nga lang ba?)

ahaha hindi ko alam paano e-edit ng maayos ang aking blog header.. 

Image

ang cheap tuloy ng dating parang ewan lang…

ano yan drawing ng bata? ahaha nilait ko na ang sarili ko bago pa man pagtawanan tong ginawa ko..

hmp pero aayusin ko to.. promise! aha gagawa ako ng paraan para ma-achieve (ano daw?) ko ang aking inaasam na header.. 

 

-init tara halo-halo 


Uniporme

na miss ko lang ang pagiging istudyante ..

 

Image

dyan ako madalas magtambay sa roof top ng eskwelahan.. 

 

soundtrip lang habang nagpapahangin ..

chillax lang sa buhay…

tas minsan na tutukso din akong tumalon.. whahahah 

sarap lang magmuni-muni dyan..

magpaka-emo..

magdala ng lalake.. lolz joke lang

 

yung tipong dahil nasa pinaka-taas ka kaya alam mong walang ibang gusto pumanhik at magpakapagod na umakyat doon kaya grabeeeehhh ang saya… 

yung bang mga weirdo lang naman ang napapadpad sa ganitong lugar..

 

pero nung bago ako mag- graduate eh parang bigla na din dumame ang weirdo sa mundo… 

di na ako nakatambay sa favorite spot ko.. :(


Countdown

Oo.. nagka-countdown na ako.. ahaha sa lahat ng mawawalan ng trabaho ako lang ata ang masaya…

Hai ewan ko ba pero grabe na ang katamaran ko..as in.. nakakahiya man aminin eh ayoko na talagang magtrabaho.. gusto ko na munang magpahinga.. I want to break free! (sabay kanta)

Date naman nung student pa ko grabe ang kasipagan ko.. as in halos di na nga ako umuwe sa bahay kapag sunod-sunod ang mga activities namen sa school (student officer kase ako before)..

Kapag nga naaalala ko yung last year ko as a college student parang natatawa ako.. ang adik ko kase..

Lista ko yung mga responsibilidad ko bilang napakahilig  este napakasipag na graduating student:

1. FEASIBILITY STUDY- ang thesis naming mga nasa business course.. kaloka syempre maliban sa ako ang leader eh bonggang research ang ginawa ko dahil sa mala pang scientist ang aming napiling produkto. Charcoal air purifier na gawa sa punong kahoy ng kamoteng kahoy.. mumuntikan nakong nadala sa mental ng dahil sa kumag na feasib nayan ever! ahaha

2. SCHOOL PUBLICATION- ang school paper… at OO nakakatawang isipin na wala sa plano ko at literal akong hindi handa para maging bahagi ng aming editorial board. Nakakaloka ng sobra ang pag gawa ng skul paper… pero masaya din naman kase ewan masaya lang..ahahaha labs kase ng crush ko ang school paper namen nang ubod kaya yon inalagaan ko para na rin sa ikakaligaya nya (sya ay aking senior EIC) .. naks ahaha

3. OJT – mahirap ang setting namen pag dating sa aming ojt nung college.. nahahati ang 400 hours namen (oo as in 400) sa dalawang sem.. either 1st sem within the school or 2nd sem outside naman or vice versa… naging ok naman ang 1st sem ko dahil sa school registrar ako na –assign (date na kong tambay dun eh kaya alam ko na gagawen)

hai pero pag dating ng 2nd sem mapait na ang aking kapalaran sa ojt .. sa may banko ako natanggap.. isang sakay mula sa school siguro mga 5 minutes lang ang byahe.. pero grabe dahil nadin sa bombastic kong schedule hindi ko agad natapos ang aking OJT doon.. yung tipong nagpra-praktis na kame sa pag marcha eh ako pilit pang tinatapos ang natitirang oras na dapat kong kumpletuhin.. sarap tumambling eh no.. ahahaha

4. STUDENT OFFICER- dahil nga sa kahiligan kasipagan pala eh nakuha ko pang makisawsaw sa Student Council ng aming eskwelahan. Ahaha kung may ghost employee sa gobyerno.. at ghost student sa mga mapanghulang titser.. eh meron din nyan sa student body nung panahon namen.. at AKO lang naman yon.. ahaha RSO officer lang kase ako nung 3rd year and originally eh magiging VP for Acad dapat ako ng CSC nung 4th year na ako eh kaso nga lang napirata ako ng school publication kaya hindi na ko pwedeng humawak ng another major position.. (naks in demand ang lola noon). Ang pagkakaiba ko lang sa ghost employee sila e hindi naman talaga nag e-exist samantalang ako in action naman pero hindi recognize.. ahaha

At yun nga hindi ko pa rin sinuko ang pagiging matulungin ko.. (barkada na kase kame sa CSC noon) kaya yun gorabels ako kahit saan man sila magtungo at kahit saan pang lupalot ng event ang kailangan I organize eh kasama nila si kuracha (babaeng walang pahinga).. ahaha

Yung tipong hindi ko na alam paano na ibabalanse ang mga gagawen… pero masaya kase eh.. kahit pagod ako eh nawawala kapag lumalakwatsya kame.. parang yun nadin ang stress reliever ko.. me ganon? Ahaha na adik ako non sa mga escapades namen.. nakaka miss tuloy! :D

 

Kaya nga zero ang balance ng love life ko nung mga panahon nayan dahil na nga sa mga pinagkakabalahan ko sa buhay.. wala na talaga akong time for that.. (naks palusot pa)


Dizziness

Kakaloka.. nahihilo much ako.. bakit kaya? Nasusuka pa ko…Hmp… hindi kaya… pano kung… hala…

Jokeness. . malabo yang posibilidad na naisip mo.. ahaha wala kase akong matres.. whahaha

Hia pero nahihilo talaga ako ng bongga.. (talaga lang? nakuha pang makapagsulat eh no?)

Dala ata ng nakain kong mamantika.. sisig na puro balat ng baboy at makakapal na taba..

Yung aura pa dito sa office kaloka.. parang nakakasuka..

 2:49 p.m

Kasalukuyang naguusap ang mga boss ko.. (President at VP)

Akala nila siguro anong ka-busyhan ang pinagsusulat ko.. ahaha walang hiyang sakit ng ulo ka lunes-lunesan eh ginugulo ako..nakanang..

Punta sana akong clinic.. papa B.P baka kasi bigla na lang ako mangisay dito kawawa naman yung malas na taong magbubuhat sa ken baka sya din himatayen.. lolz

Kaso nga lang naguusap sila.. pano ako eexit? Pano ‘pag bigla akong hinanap ni boss? Pano kung may iuutos pala sya na importante? (tulad ng pagpapagawa ng kape)

Pero naisip ko bigla.. hilo lang nga ba ito o mas malala pa?

Nababahala talaga ako kase napapadalas no’to…

Baka kase…. sakit na to na mahirap lunasan…

.

.

.

.

.

Ang sakit sa bato… BATUGAN.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.